“Sapatos III”

Sandals_2May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa mga katabi mo sa MRT. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa! Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Medyo shocking ang color nya at medyo loud ang color combination. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng shoes kaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang sandals na yun.

Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sandals na gusto kong bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko na ng sandals. Pero pag-punta ko sa Landmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na sandals na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi kailangan ko na nga.

Lesson learned:

Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang,pero pinalampas mo pa.

Leave a Reply