“Sapatos II”
When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what I think was the best shoes I’ve ever had. It was a blue and white rubber shoes. Astig!. Converse ang tatak nya.. Ang tagal ko na naghanap ng ganoong klaseng rubber shoes at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. And I bought the shoes for 1500 lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last pair na iyun. And it was my size!
Sobrang natuwa ako sa bago kong sapatos. At napakalambot niya! I wore the shoes everyday because they would match anything. Gamit ko siya in the office, at the mall, in church ,even at the beach!
Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May converse naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may ganoong style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng converse pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao. Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may makikita akong ganoon klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na. Kaso wala.
Iyong blue rubber shoes ko — na malambot at kumportable , na bagay sa kahit anong damit ko — ay sira na ngayon. Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i-glue ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes. Hindi ko nga lang inalagaan.
Lesson learned:
Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na "sana, inalaagaan ko siya."