Archive for August, 2005

“Sapatos III”

Friday, August 5th, 2005

Sandals_2May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa mga katabi mo sa MRT. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa! Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Medyo shocking ang color nya at medyo loud ang color combination. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng shoes kaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang sandals na yun.

Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sandals na gusto kong bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko na ng sandals. Pero pag-punta ko sa Landmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na sandals na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi kailangan ko na nga.

Lesson learned:

Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang,pero pinalampas mo pa.

“Sapatos II”

Friday, August 5th, 2005

Shoes When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what I think was the best shoes I’ve ever had. It was a blue and white rubber shoes. Astig!. Converse ang tatak nya.. Ang tagal ko na naghanap ng ganoong klaseng rubber shoes at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. And I bought the shoes for 1500 lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last pair na iyun. And it was my size!

Sobrang natuwa ako sa bago kong sapatos. At napakalambot niya! I wore the shoes everyday because they would match anything. Gamit ko siya in the office, at the mall, in church ,even at the beach!

Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May converse naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may ganoong style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng converse  pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao. Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may makikita akong ganoon klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na. Kaso wala.

Iyong blue rubber shoes ko — na malambot at kumportable , na  bagay sa kahit anong damit ko — ay sira na ngayon. Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i-glue ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes. Hindi ko nga lang inalagaan.

Lesson learned:

Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na "sana, inalaagaan ko siya."